Tuesday, September 23, 2008

Invitations and Commitment

INVITATIONS

Jai is always telling me how it's "nice to be invited" regardless whether you can attend the party or not.

And I now second the motion.

Maski alam natin na malaking ang chance na hindi ako makakapunta, sana inimbita nyo naman ako. Kasi sa pagkakaalam ko, inimbita ko kayo. Pero ang sabi nyo, wala kayong pera kaya hindi kayo pwede.

At wag mo sasabihin na wala kayong ginastos sa kung saan man kayo pumunta. Ano yun, sumabit kayo sa jeep at nag-123? Sumakay kayo sa magic carpet?

Wala?!

COMMITMENTS

Some people may have issues with commitments. Siguro dahil mahirap. Parang walang freedom. Mahirap sa diskarte.

Pero ang alam ko kasi, kapag magkaibigan, it's not considered a commitment. It's more of an understanding.

E siguro ako lang ang nag-isip na kaibigan ko kayo.

Malamang nga.

*****

Sa totoo lang, abot hanggang langit ang tampo ko. Actually, early this morning, tampo lang talaga. Habang papalalim na ang araw, parang naiinis at nabwibwisit na rin ako.

Wala naman kasing nagsabi sa kin na tratuhin ko kayo ng special at i-consider ko kayo na friends. It was my decision. At dapat, hindi ako nag-expect.

Dahil ang friendship, gaya ng love, hindi naipipilit.

No comments: