Pumasok ako sa office kahapon na full of confidence. It’s our team’s third week on WIN. Sa mga hindi nakakaalam, WIN stands for W---- Improvement Notice. Otherwise known as Performance Improvement Plan. In short, dahil hindi kami umaabot sa target, we’re given 3 weeks to prove our worth. 3 weeks to prove na contrary to what our CSAT is saying, hindi po kami kamote. Na hindi kami naka-graduate sa kolehiyo nang ganun-ganun na lang. Na hindi man kami super talino, marunong at may alam kami kaya nga natanggap kami sa kumpanyang pinagtatrabahuhan namin. Na nung we were interviewed for the job, nakita nung recruitment specialist na we have “it”.
Pero sa kasamaang palad, sa industriya (at account) na kinabibilangan namin, “you’re only good as your last CSAT”. Kumbaga sa contest, wala sa criteria ang “efficiency and effectivity”, “leadership skills”, “initiative” at maski “behavior towards work”. Basta ang mahalaga, yung CSAT.
Di ko naman sila masisisi. Kasi sabi nga nila, bread and butter ng account and CSAT. Na sa tuwing hindi umaabot ang site sa goal, limpak limpak na dolyares ang binabayaran ng kumpanya sa client.
Anyway, yun na nga. I went to work feeling confident that this will be our team’s last week in agony. Na next week is a better week. Na next week, hindi na kami “WINner”.
Kaso hindi. Our team got a bad score which didn’t meet the goal. Wala naming scientific na explanation kung bakit nagkaganun. Kasi kung meron, matagal na naming ginamit yung scientific equation para mataas ang score namin at hindi kami under stress. Kaso nga wala. Ginawa naman naming yung dapat gawin. Kinausap at na-coach naman namin yung mga bangkero. Nag-3X3 naman kami. 5X5. Minsan nga, 10X10 pa. Nakabantay naman kami sa kanila. Kaso, kinapos e. Maghapon naman kaming naglalakad sa spine nila. Maski nga wala siguro akong scoliosis, sumasakit na likod ko e.
Hay, ano bang punto ko? Am I trying to make a point here?
Simple lang. Nakakabwisit lang isipin na sa lahat-lahat ng nagawa mo, sa CSAT ka lang titimbangin. Na maski perfect attendance at compliance ka, olats kas kung bagsak and CSAT mo. Na sa tinagal-tagal mong nagtatrabaho sa industriyang ito, ngayon ka lang ata mabibigyan ng warning (memo, award, red love letter). Sana nag-absent o nagpaka-late na lang ako ng bonggang bongga. At least pag ganun, alam ko mali ko. At oo, nagpakakamote ako!
Ngayon ang dasal ko lang is for God to give me strength. Mahirap yatang kumbinsihin ang labinlimang tao na kaya namin tapusin ang buwan na maayos maski deep inside, parang winashing-machine yung puso ko sa sakit dahil naiinis ako (dahil nga hindi ako, hindi kami kamote).
Hay. At isa pang malalim na buntong-hininga. Makapagyosi na nga.
PS.
Wala po akong intensyon na humanap ng gulo o argumento. I am simply ranting about what I am going through and what I am feeling. Kung nakaka-relate kayo, I hope it's nice for you to know na dalawa tayo. Kung sa tingin nyo mali ako, I appreciate your opinion. Salamat rin sa pagbasa.