Hindi na ako ang hahawak sa Transition Team. Ang team na kasama ko for the longest time. Just like that.
Iniisip ko na lang, may magandang rason, may importanteng dahilan at siguro, matinding pangangailangan. Di ko man ma-gets sa ngayon, sana in time, maintindihan ko.
Gustuhin ko man na magdrama, after a day or two, I know, lilipas rin 'to. Ang mga bayani nga, nakakalimutan e. Ang isang tulad ko pa kaya?
No matter how sad I am. No matter how devastated I feel. No matter how consumed I may become because of this issue... the world won't stop for me. Tuloy and ikot ng mundo. Tuloy ang pagkagutom ng mga bata sa Africa. Tuloy sa paghihikahos ang karamihan sa mga Pilipino. Tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin. Tuloy lang ang lahat. Tuloy ang laban.
Buhay pa naman ako. Yan ang importante. I can sleep soundly at night knowing na wala akong inagrabyado.
Wala lang 'to sa karera ng buhay.
At gaya ng laging kong sinasabi lalo na for the past few days, This too shall pass.
PS. Madrama rin pala talaga ako.
No comments:
Post a Comment