Feeling ko ngayon, para akong ina na iniwan ng mga anak nya...
Naks, drama. Pero it's true. For the past months na I was handling the Transition Team, maski ayaw ko man at forever idedeny ko, I felt like the mom in the team. Funny kasi I always think na wala akong motherly instinct.
Anyway, I feel a bit sad kasi parang wala na sila lahat. Ganun pala feeling ng mga nanay kapag umaalis na mga anak. Nakaka-relate ako ha.
At gaya ng ibang mga anak na alam mo namang andyan lang (marahil nag-aaral ng college or nagtatrabaho), iba rin talaga ang feeling.
Andyan lang sila pero iba.
Hala. Drama.
*****
Isa na siguro sa mga pangit na ugali ko is yung pagiging taklesa ko. Kung may tindang tact sa 7-11 or Mini Stop, malamang bumili na ko ng sampung kilo.
Lahat may opinyon sa lahat ng bagay pero hindi lahat ready marinig ang mga opinyon na ito. Kaya minsan, shumat-up ka na lang. Pumunta sa badmintunan at makipagtxtan sa mga kaibigan. O kaya, pumunta sa office at i-qa ang mga bangkero mo.
O kaya naman, mag-blog ka na lang.
No comments:
Post a Comment