Friday, October 31, 2008

Bukas...

...mababawasan ng isang makapal na folder ang mga floor files ko.

Floor file na kumapal in time dahil sa mga coaching logs para sa iba't-ibang bagay na ikaw lang ata ang may kayang gumawa.

"I don't believe that OI."

"It works for me..."


Bukas, mag-iiba na ang routine ko.
Ang lunch time ko na usually 8:30AM, definitely, mababago.
Ang schedule ng mga lunch buddy ko, bukas, mababago.
Kung dati, umiikot kay Aya at sayo kasama si Luv at Jai, bukas, baka iba na.

Bukas, mababawasan ang isa sa mga matinding rason kung bakit in spite of everything that's been happening to me at work, okay pa rin ako kahit papaano.

Bukas, masayang masaya ako.
Dahil sabi nga nila, dapat masaya ka para sa mga kaibigan mo.
Masaya ako dahil finally, you are getting what you deserve.
Finally, masasabi natin na may pag-asa pa pala.

Bukas, ang napakakapal na floor file mo, ibibigay ko na kay Mira.
Dahil bukas, magiging QA analyst ka na at mawawala ka na sa team ko.

Bukas, mawawalan ako ng isang floor file.
Bukas, sana floor file lang ang mawala.
Huwag pati makukulay na bagay na pwede mong i-share sa akin.

Bukas, gaya ng lagi kong sinasabi at sinusulat sayo... You will make me proud!

Friday, October 17, 2008

Today...

...I found out that a very dear friend resigned effective immediately.

This may be for the best. I hope that you finally find what you're looking for.

I will surely miss...

...confiscating your clip/ rubber band everytime tinatali mo yung buhok mo after it was just rebonded.

...your tomboyish ways.

...the possiblity na iisa lang ang medyas na suot mo sa pagpasok mo sa office.

...your topak.

...excuse (reason) na masakit tyan mo everytime yayayain kita na umalis.

...your creativity (lalo na sa pag-decorate ng boards sa office).

...oreos (ar any food) straight from your pocket.

...pagiging makulit and pasaway.

Most of all, I will surely miss you.

Thursday, October 16, 2008

First Time...

... to eat at Amici.

The food wasn't THAT great. Probably because I was expecting for too much? Hmm. The gelato was okay. Pasta was okay. Pizza was okay.

Just okay.

+++++

...to read a book in just 3-4 hours.

Just like what Gladys said, I outdid myself this time, and yes, I am a freak. I loved Twilight right away! I loved the feeling of being so young, giddy and so in-love (even if it's with a vampire). I can only imagine how Edward looks like (if he exists).

Kaya naman we had to get the 3 remaining books the next day! I read Twilight last Saturday. I read New Moon and Eclipse the next day, Sunday. And I finished Breaking Dawn last Monday.

Oo, adik! And yes, naintindihan ko yung kwento.

+++++

…that someone from Starbucks spelled my name right.

Ma-an, with a dash.

Sunday, October 12, 2008

Ano ba ang feeling ng WIN?

Pumasok ako sa office kahapon na full of confidence. It’s our team’s third week on WIN. Sa mga hindi nakakaalam, WIN stands for W---- Improvement Notice. Otherwise known as Performance Improvement Plan. In short, dahil hindi kami umaabot sa target, we’re given 3 weeks to prove our worth. 3 weeks to prove na contrary to what our CSAT is saying, hindi po kami kamote. Na hindi kami naka-graduate sa kolehiyo nang ganun-ganun na lang. Na hindi man kami super talino, marunong at may alam kami kaya nga natanggap kami sa kumpanyang pinagtatrabahuhan namin. Na nung we were interviewed for the job, nakita nung recruitment specialist na we have “it”.

Pero sa kasamaang palad, sa industriya (at account) na kinabibilangan namin, “you’re only good as your last CSAT”. Kumbaga sa contest, wala sa criteria ang “efficiency and effectivity”, “leadership skills”, “initiative” at maski “behavior towards work”. Basta ang mahalaga, yung CSAT.

Di ko naman sila masisisi. Kasi sabi nga nila, bread and butter ng account and CSAT. Na sa tuwing hindi umaabot ang site sa goal, limpak limpak na dolyares ang binabayaran ng kumpanya sa client.

Anyway, yun na nga. I went to work feeling confident that this will be our team’s last week in agony. Na next week is a better week. Na next week, hindi na kami “WINner”.

Kaso hindi. Our team got a bad score which didn’t meet the goal. Wala naming scientific na explanation kung bakit nagkaganun. Kasi kung meron, matagal na naming ginamit yung scientific equation para mataas ang score namin at hindi kami under stress. Kaso nga wala. Ginawa naman naming yung dapat gawin. Kinausap at na-coach naman namin yung mga bangkero. Nag-3X3 naman kami. 5X5. Minsan nga, 10X10 pa. Nakabantay naman kami sa kanila. Kaso, kinapos e. Maghapon naman kaming naglalakad sa spine nila. Maski nga wala siguro akong scoliosis, sumasakit na likod ko e.

Hay, ano bang punto ko? Am I trying to make a point here?

Simple lang. Nakakabwisit lang isipin na sa lahat-lahat ng nagawa mo, sa CSAT ka lang titimbangin. Na maski perfect attendance at compliance ka, olats kas kung bagsak and CSAT mo. Na sa tinagal-tagal mong nagtatrabaho sa industriyang ito, ngayon ka lang ata mabibigyan ng warning (memo, award, red love letter). Sana nag-absent o nagpaka-late na lang ako ng bonggang bongga. At least pag ganun, alam ko mali ko. At oo, nagpakakamote ako!

Ngayon ang dasal ko lang is for God to give me strength. Mahirap yatang kumbinsihin ang labinlimang tao na kaya namin tapusin ang buwan na maayos maski deep inside, parang winashing-machine yung puso ko sa sakit dahil naiinis ako (dahil nga hindi ako, hindi kami kamote).

Hay. At isa pang malalim na buntong-hininga. Makapagyosi na nga.

PS.

Wala po akong intensyon na humanap ng gulo o argumento. I am simply ranting about what I am going through and what I am feeling. Kung nakaka-relate kayo, I hope it's nice for you to know na dalawa tayo. Kung sa tingin nyo mali ako, I appreciate your opinion. Salamat rin sa pagbasa.