Friday, October 31, 2008

Bukas...

...mababawasan ng isang makapal na folder ang mga floor files ko.

Floor file na kumapal in time dahil sa mga coaching logs para sa iba't-ibang bagay na ikaw lang ata ang may kayang gumawa.

"I don't believe that OI."

"It works for me..."


Bukas, mag-iiba na ang routine ko.
Ang lunch time ko na usually 8:30AM, definitely, mababago.
Ang schedule ng mga lunch buddy ko, bukas, mababago.
Kung dati, umiikot kay Aya at sayo kasama si Luv at Jai, bukas, baka iba na.

Bukas, mababawasan ang isa sa mga matinding rason kung bakit in spite of everything that's been happening to me at work, okay pa rin ako kahit papaano.

Bukas, masayang masaya ako.
Dahil sabi nga nila, dapat masaya ka para sa mga kaibigan mo.
Masaya ako dahil finally, you are getting what you deserve.
Finally, masasabi natin na may pag-asa pa pala.

Bukas, ang napakakapal na floor file mo, ibibigay ko na kay Mira.
Dahil bukas, magiging QA analyst ka na at mawawala ka na sa team ko.

Bukas, mawawalan ako ng isang floor file.
Bukas, sana floor file lang ang mawala.
Huwag pati makukulay na bagay na pwede mong i-share sa akin.

Bukas, gaya ng lagi kong sinasabi at sinusulat sayo... You will make me proud!

Friday, October 17, 2008

Today...

...I found out that a very dear friend resigned effective immediately.

This may be for the best. I hope that you finally find what you're looking for.

I will surely miss...

...confiscating your clip/ rubber band everytime tinatali mo yung buhok mo after it was just rebonded.

...your tomboyish ways.

...the possiblity na iisa lang ang medyas na suot mo sa pagpasok mo sa office.

...your topak.

...excuse (reason) na masakit tyan mo everytime yayayain kita na umalis.

...your creativity (lalo na sa pag-decorate ng boards sa office).

...oreos (ar any food) straight from your pocket.

...pagiging makulit and pasaway.

Most of all, I will surely miss you.

Thursday, October 16, 2008

First Time...

... to eat at Amici.

The food wasn't THAT great. Probably because I was expecting for too much? Hmm. The gelato was okay. Pasta was okay. Pizza was okay.

Just okay.

+++++

...to read a book in just 3-4 hours.

Just like what Gladys said, I outdid myself this time, and yes, I am a freak. I loved Twilight right away! I loved the feeling of being so young, giddy and so in-love (even if it's with a vampire). I can only imagine how Edward looks like (if he exists).

Kaya naman we had to get the 3 remaining books the next day! I read Twilight last Saturday. I read New Moon and Eclipse the next day, Sunday. And I finished Breaking Dawn last Monday.

Oo, adik! And yes, naintindihan ko yung kwento.

+++++

…that someone from Starbucks spelled my name right.

Ma-an, with a dash.

Sunday, October 12, 2008

Ano ba ang feeling ng WIN?

Pumasok ako sa office kahapon na full of confidence. It’s our team’s third week on WIN. Sa mga hindi nakakaalam, WIN stands for W---- Improvement Notice. Otherwise known as Performance Improvement Plan. In short, dahil hindi kami umaabot sa target, we’re given 3 weeks to prove our worth. 3 weeks to prove na contrary to what our CSAT is saying, hindi po kami kamote. Na hindi kami naka-graduate sa kolehiyo nang ganun-ganun na lang. Na hindi man kami super talino, marunong at may alam kami kaya nga natanggap kami sa kumpanyang pinagtatrabahuhan namin. Na nung we were interviewed for the job, nakita nung recruitment specialist na we have “it”.

Pero sa kasamaang palad, sa industriya (at account) na kinabibilangan namin, “you’re only good as your last CSAT”. Kumbaga sa contest, wala sa criteria ang “efficiency and effectivity”, “leadership skills”, “initiative” at maski “behavior towards work”. Basta ang mahalaga, yung CSAT.

Di ko naman sila masisisi. Kasi sabi nga nila, bread and butter ng account and CSAT. Na sa tuwing hindi umaabot ang site sa goal, limpak limpak na dolyares ang binabayaran ng kumpanya sa client.

Anyway, yun na nga. I went to work feeling confident that this will be our team’s last week in agony. Na next week is a better week. Na next week, hindi na kami “WINner”.

Kaso hindi. Our team got a bad score which didn’t meet the goal. Wala naming scientific na explanation kung bakit nagkaganun. Kasi kung meron, matagal na naming ginamit yung scientific equation para mataas ang score namin at hindi kami under stress. Kaso nga wala. Ginawa naman naming yung dapat gawin. Kinausap at na-coach naman namin yung mga bangkero. Nag-3X3 naman kami. 5X5. Minsan nga, 10X10 pa. Nakabantay naman kami sa kanila. Kaso, kinapos e. Maghapon naman kaming naglalakad sa spine nila. Maski nga wala siguro akong scoliosis, sumasakit na likod ko e.

Hay, ano bang punto ko? Am I trying to make a point here?

Simple lang. Nakakabwisit lang isipin na sa lahat-lahat ng nagawa mo, sa CSAT ka lang titimbangin. Na maski perfect attendance at compliance ka, olats kas kung bagsak and CSAT mo. Na sa tinagal-tagal mong nagtatrabaho sa industriyang ito, ngayon ka lang ata mabibigyan ng warning (memo, award, red love letter). Sana nag-absent o nagpaka-late na lang ako ng bonggang bongga. At least pag ganun, alam ko mali ko. At oo, nagpakakamote ako!

Ngayon ang dasal ko lang is for God to give me strength. Mahirap yatang kumbinsihin ang labinlimang tao na kaya namin tapusin ang buwan na maayos maski deep inside, parang winashing-machine yung puso ko sa sakit dahil naiinis ako (dahil nga hindi ako, hindi kami kamote).

Hay. At isa pang malalim na buntong-hininga. Makapagyosi na nga.

PS.

Wala po akong intensyon na humanap ng gulo o argumento. I am simply ranting about what I am going through and what I am feeling. Kung nakaka-relate kayo, I hope it's nice for you to know na dalawa tayo. Kung sa tingin nyo mali ako, I appreciate your opinion. Salamat rin sa pagbasa.

Monday, October 06, 2008

Conversations with John Part IX

It's 3PM and I haven't taken a bath yet. Asa room kami ni John, magka-embrace.

Nung maisipan ko nang maligo (finally)...

Me: Maliligo nako, I smell bad na.

John: It's okay.

Me: I will take a bath na kasi baho nako.

John: It's okay, maski taong grasa ka, love kita.

Awww... his sweetness will kill me. Imagine, i-compare ba naman ako sa taong grasa.

Sweet.

To Nicole with Love

September 27, 2008

My BFF Nicole,

It has been 11 days since your birthday. I know it’s really late pero just the same, Belated Happy, happy Birthday. Gaya nga ng sinabi ko sa blog mo, I too was expecting for something during your birthday. Kaso, nag-leave ka so I guess, in a way, nagkalimutan na, nawalan na ng momentum.

But anyways, enough for the excuses. Di bale, one of these days, Aux 3 ko si kamoteng JC para matapos nya na yung card mo. Surprise pa rin naman yun kasi you don’t know kung kelan naming ibibigay. Relax lang, sila Gladys, TM and Iel nga, months in the making yung card nila. Huwag ka na magtampo. Busy na kasi mga tao. Iba naman kasi talaga when we were still in Transition. Mas maluwag ang time kasi maraming time.

For the almost two years (tama ba?) na I’ve known you, I’ve come to really appreciate you. And I guess, sometimes, I see myself in you. Lalo na when it comes to your passion in keeping friendships alive. You and I have the same sentiments when it comes to friendship. Oo, pareho tayong loyal na friend. At pareho tayong umaasa (subconsciously) na ganun din ang pagtingin sa atin ng mga friends natin. Kaya nga maarte at madrama tayong dalawa. Ewan ko ba. E anong magagawa natin, big deal sa atin ang friendship.

I guess what I’m trying to say is that you and I are so alike when it comes to these things that I don’t have to explain myself. Isang salita pa lang, gets mo na. And that’s what I really like about you.

Tama si John, you are in a way, my bestfriend. Kas lagi kang andyan for me. The same way na I always try to be here for you. You are honest with me, the same way na I am with you. Well, sabi nga nila, sa sobrang layo ng tingin ko, I take for granted those who are right under my nose. But not anymore.

Thank you for the gift of friendship.

Thank you for being you (who’s just like me!). J

PS.

When I saw this Hello Kitty charm, I knew right away na it’s for you. Kasi may stars. Haha.

The Bridges of Madison County – this is the closest I can find na may Meryl Streep éclat

Laugheteria – kasi I know, we’ll be sharing more laughters. Haha.

XOXO,

Your BFF Paris

Sunday, October 05, 2008

I was Tagged!

I am tagging She-Anne, She', Jovee and Burn.

1. This game starts with 6 weird things about you.
2. People who got tagged need to write a blog entry of their own 6 weird things. (its fun promise:P)
3. They should as well state this rule clearly.
4. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names.
5. Don’t forget to leave a comment that says “you are tagged” in their comments and tell them to read your blog.

1. I always wear my watch in my right wrist.

2. I always wear my bracelets in my left wrist. (Para alam ko kung asan ang kaliwa -- hence the term Kaliwacelet).

3. I treat dogs, my bags, slippers and shoes like human beings. I name my bags, slippers and crocs. And magkakapamilya sila. If they have the same design, magkapatid sila. If they're the same brand, magpinsan sila.
Example:
RL bags - lahat sila magkakamag-anak
Plaid designs - magkakapatid
RL logo designs - pinsan nung mga plaid

4. My feet are unusually small. Hindi siya proportional sa body weight ko. Kaya naman madali akong matalisod.

5. I can't sleep without my security blanket. Maski super gutay-gutay na sya, hindi pwedeng hindi sya naka-roll na yakap ko.

6. Sabi ni John, when I'm asleep, may sariling buhay paa ko. Kumakaskas sya sa kumot or paa nya habang tulog ako.